Muling nabuking umano ang pagiging “doble kara” ni Senator Antonio Trillanes IV matapos ang kanyang panawagang tapusin na ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa kontrobersya sa Iloilo Convention Center (ICC) na nagsasangkot ng kasong overpricing kay Senate President Franklin Drilon.

Sinabi ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President Toby Tiangco, mistulang nakalimutan ni Trillanes kung paano nabuking ang pagsisinungaling ng kanilang mga resource person laban kay Vice President Jejomar Binay subalit pinahintulutan pa rin ng mga senador na ipagpatuloy ang kanilang mapanirang testimonya.

“Nagbubulag-bulagan si Trillanes dahil gusto n’yang isalba si Drilon. Baka nakalimutan n’ya na si Renato Bondal, napilitang umamin na hinulaan lang nya ang presyo ng birthday cake na sinabi nyang overpriced, at si Ernesto Mercado, ilang beses nang nahuling nagsinungaling, lalo na noong sinabi nya na sya ang nagbayad at sumakay sa helicopter na kumuha ng video ng Sunchamp farms sa Rosario, Batangas pero hindi naman pala totoo,” sabi ni Tiangco.

Nanawagan si Trillanes kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Teofisto Guingona III na huwag nang magsagawa ng panibagong pagdinig matapos umanong gumamit ang testigo – na si dating Iloilo provincial Administrtor Manuel Mejorada Jr. ng web source sa kanyang testimonya noong nakaraang linggo.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Mukhang may nagkakalimutan dito... the senator forgot that Mr. Bondal based his complaint on the alleged overpriced on, among other resources, Wikipedia. Bakit noong si (Manuel) Mejorada ang nagsabi ng Wikipedia, pinagtawanan nila, pero noong si Bondal, tinanggap nila na parang yun lamang ang totoo?” tanong ni Tiangco.