Walang balak si Senator Antonio Trillanes IV na magdemanda laban kay Vice President Jejomar Binay sa naging papel nito sa pag-aaklas ng kanyang grupong Magdalo laban sa dating administrasyon.

Ayon kay Trillanes, tapos na ang istorya at kaya naman niya ito nabanggit ay dahil nais niyang ipakita sa taumbayan ang tunay na karakter ni Binay.

Ibinunyag ni Trillanes na may usapan na ang Magdalo at si Binay na noong 2007 ay alkalde ng Makati City na ito ang magpapadala ng tao para suportahan sila. Pero sa huling sandali ay umatras si Binay.

Sinabi ni Senator Miriam Defensor Santiago na pwedeng masampahan ng kasong inciting to sedition si Binay dahil sa pahayag ni Trillanes.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon