PRESIDENT QUIRINO, Sultan Kudarat – Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa hangganan ng Barangay Katiku, President Quirino, Sultan Kudarat at Barangay Kayupo, Paglat, Maguindanao nitong Sabado.

Ang mga biktima ay may taas na 5’3” hanggang 5’5’ , pawang na- short at T-shirt, at may tama ng bala ng kalibre .45. Natagpuan ang mga ito dakong 7:00 ng umaga nitong Nobyembre 15, 2014 sa isang plantasyon ng palm oil.

Ayon kay Barangay Katiku chairman Sancho Salamanca, isang alyas “Marco”, guwardiya sa nasabing plantasyon, ang nakarinig ng maraming putok ng baril sa lugar na kinatagpuan sa mga bangkay sa bahagi ng “Field 29”. Dalawang katao ang nakitang patakas sa lugar sakay ng dalawang motorsiklo.

Lumabas sa pagsisiyasat ni Police Senior Inspector Gary Flor Marfil ng President Quirino PNP, na isa sa dalawang motorsiklo ay pag-aari ng mga biktima. May hinala ang pulisya na may kinalaman sa droga ang motibo sa krimen.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists