TARLAC CITY – Magsasagawa ng Fun Run 2014 ang Tarlac City Police sa Disyembre 6, na magsisimula dakong 5:00 ng umaga sa Foot Ball Area sa Robinsons Luisita sa Barangay San Miguel, Tarlac City.

Ang fun run ay pangungunahan ni acting Chief of Police Supt. Felix Verbo Jr. at aantabayanan ng iba pang pulis, sa pakikipagtulungan ng Soroptimist International of Tarlac, Arcadio Evangelista Memorial Lodge No. 254 at mga miyembro ng media.

May tatlong kategorya—3K, 5K, 10K—ang fun run at ang malilikom na pondo ay gagamitin sa mga proyekto ng Tarlac City Police, kabilang ang feeding program sa mga mag-aaral sa elementarya at day care, libreng salamin sa mata, school supplies at iba pang serbisyo publiko.

Sinabi ni Verbo na maaaring magrehistro para sa fun run hanggang sa Nobyembre 28.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20