PHOTO-CRISTINE-REYES-copy

HINDI na siguro maitago ni Cristine Reyes ang tunay niyang kalagayan dahil marami na ang nagpapatunay na nagdadalantao siya lalo na nang i-post ng Ate Ara Minaniya ang family picture nila na kitang-kita na malaki ang tiyan niya.

Matatandaang natanong na si Cristine sa isyung buntis siya sa presscon ng pelikulang The Gifted pero itinanggi niya. Muli siyang tinanong sa premiere night nila na ginanap sa SM Megamall, pero ano ang ginawa niya? Nag-walkout siya.

Pero kahapon ng tanghali, tumawag ang source naming taga-ABS-CBN at sinabing special guest ng ASAP si Cristine at kakanta ng Today, My Life Begins ni Bruno Mars at pagkatapos ay may special announcement.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Nasa script may special announcement at official na niyang aaminin na buntis nga siya. Abangan mo later,” sabi ng source namin sa kabilang linya.

May lakad kami kahapon kaya hindi namin napanood angASAP at kung inamin na nga ng aktres na buntis siya, iisa lang ang masasabi namin, VINDICATED ang lahat ng reporters na nagsulat.

Nakakaloka lang si Cristine, dahil talagang sinabayan niya ang pagbubuntis ng Ate Ara niya.