NABAGO ang airing date at timeslot ng Bagito na launching serye ni Nash Aguas.

Ang dating schedule na nakuha at iniulat namin last week, sa Nobyembre 24 pa dapat ang premiere telecast ng Bagito pero bigla na itong eere ngayong gabi, kapalit sa binakanteng timeslot ng Pure Love.

Sinabi sa presscon ng Dream Dad na sila ang magiging kapalit ng Pure Love na nagtapos noong Biyernes. Pero na-move ang airing nito sa Nobyembre 24, pagkatapos ng Forevermore na No. 1 teleserye ngayon.

Ibababa ng oras ang Forevermore kapag wala na ang serye nina Piolo Pascual at Iza Calzado.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang tsika sa amin ng sources namin sa Dos, bunsod ng mga pagbabago sa original schedule ng hindi pa handang Dream Dad ni Zanjoe Marudo dahil hindi pa raw buo ang pilot week nito. Butas pa ang ilang araw na dapat ay kasado na, kaya paano raw ito ipalalabas? Tama nga naman.

Kapag ipinilit daw kasing ipalabas ang Dream Dad ay mahihirapan ang buong production dahil magiging hand-to-mouth ito na hindi kakayanin dahil malalayo ang location.

E, bakit umuubra ang ganitong sitwasyon sa Forevermore na phenomenal ang success ngayon sa ratings game?

Ang mabilis na katwiran sa amin, “At least, isang location lang sila (Forevermore), Benguet lang, unlike sa Dream Dad, iba’t ibang location ‘tapos matagal pa ang baklas.”

May concern lang kami, hindi ba’t sensitibo ang kuwento ng Bagito ni Nash dahil naging batang ama siya sa edad na katorse?  At halos lahat ng mga estudyante sa high school at elementarya ay nakauwi na sa bahay sa mga oras na umeere ito, kasabay ng hapunan ng pamilya, bago manood ng TV Patrol?

Kaya tamang-tama sana ang Dream Dad na light drama lang sabi na rin ni Zanjoe, kaya nagustuhan niya ang istorya lalo’t super-cute ang gaganap na bagong anak niya na si Janna.

Hindi kaya ‘pag marami ng bangko ang Dream Dad ay pagpapalitin ito at ang Bagito para masunod pa rin ang naunang plano na ipalabas ito pagkatapos ng TV Patrol?

Ano kaya ang masasabi ni MTRCB Chairman Eugenio Villareal sa timeslot ng Bagito?