SAN JOSE, Batangas – Labing anim na pasahero ang nasugatan nang magkarambola ang isang trailer truck, tatlong pampasaherong bus at isang jeepney sa Barangay Lapu-lapu sa bayan na ito kahapon ng madaling araw.

Lumitaw sa imbestigasyon ni Chief Insp. Oliver Ebora na binabagtas ng trailer truck (TYU-353) na may kargang mga bagong sasakyan ang STAR Tollway patungong Batangas City nang bigla itong pumaling sa kaliwang linya ng kalsada dakong 3:00 ng madaling araw.

Nahagip ng trailer truck ang isang jeepney (DSR-276) na may kargang produktong agrikultura, dalawang Dimple Star passenger bus at isang Ceres bus na lahat ay patungong Maynila.

Ayon kay PO2 Joe Feranco, isa sa mga unang rumespondeng pulis sa pinangyarihan ng aksidente, posibleng nakatulog dahil sa matinding pagod ang driver ng trailer truck dahilan upang ito ay mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong sasakyan. Dalawa sa 18 biktima ang malubhang nasugatan sa insidente, ayon sa pulisya.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Dakong 5:00 na ng madaling araw nang malinis ng tollway authorities ang nagkalat na prutas at iba pang debris at makaraan ang mga sasakyan sa magkabilang lane ng highway. - Vicky aclan Florendo