Dadaluhan ng 300 negosyante at opisyal ng gobyerno ang summit para talakayin ang problema ng port congestion sa Nobyembre 17 sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Filipino Chamber of Commerce and Industry chairman Emeritus Noime Saludo, layunin ng pagtitipon na masolusyunan ang pagsisikip sa dalawang pantalan sa Maynila.

Kabilang sa mga inimbitahang dumalo sina Cabinet Secretary Secretary Jose Rene Almendras at mga opisyal mula sa Bureau of Customs, Philippine Port Authority, Metro Manila Development Authority, Internatinal container Terminal Services Incorporated, Asean Terminals Incorporated at Department of Transportation and Communication.

Ilan sa mga tatalakaying isyu ang traffic management, customs procedures, anti-smuggling initiatives, shipping lines regulations at ports development.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente