SANTIAGO CITY, Isabela - Mula sa 648 noong nakaraang taon ay tumaas sa 698 ang may diabetes sa lungsod na ito, ayon kay City Health Officer Dr. Genaro Manalo.
Ayon kay Manalo, ang pagdami ng nagkakasakit ng diabetes ay dahil marami ang ayaw tumigil sa kanilang bisyo, gaya ng paninigarilyo, at pagkain ng matatamis, na nagbubunsod ng nasabing sakit na nagdudulot naman ng pagkabulag, sakit sa bato, at iba pa.
Dahil dito, ayon kay Manalo, ay inilunsad ng CHO ang Diabetic Club, na rito ay nagkikita-kita ang mga pasyente tuwing ikalawang Martes at Miyerkules ng buwan para sa libreng pagsusuri at mabigyan ng gamot at bitamina.