Ai-Ai-Delas-Alas-copy

BIDA rin sa Past Tense si Ai Ai delas Alas na nagpahayag sa presscon ng pelikula na iniiwasan na raw niya ang mga kanegahan sa buhay.

Sabi niya, mas gusto niya na puro positive vibes lang para masaya ang buhay-buhay. Ayaw na raw niya, hangga’t maaari, na pag-uusapan ang anumang hindi makapagpapasaya sa kanya.

Banggit pa ni Ms. A sa presscon na sinabayan ng celebration ng kanyang 50th birthday, tinuldukan na niya ang tungkol sa kanyang nakaraang lovelife.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Kinalimutan ko na at ayaw ko nang balikan na ikinasal ako ng 29 days,” sabi ni Ai Ai.

Hindi raw ganoon kadaling makapag-move on mula sa pangyayaring iyon.

“Ako po not easy pero hindi ko po ipinapakita sa tao. Ang ginagawa ko lang po just pray and try to move on because life is so short and just be happy. Kaya sabi ko sa sarili ko, chill na lang ako. Ii-enjoy ko lang lahat nang pinagpaguran ko. Ang sarap palang maka-peace noon, tamang peace. Hindi naman ako nagdodroga pero nakaka-peace,” lahad pa ng komedyana.

Ipinagmamalaki ni Ai Ai na masayang-masaya siya piling ng kanyang batambatang boyfriend na si Gerald Sibayan. Dahil daw kay Gerald, mas nagmukha siyang bata at blooming na blooming ngayon.

“Ayoko nang mag-comment du’n sa patuloy na pamba-bash sa akin dahil sa pagdyodyowa ng bagets. Pero sa ngayon, eh, wala na po akong hiniling sa Panginoon kung hindi pasasalamat sa lahat ng ibinigay Niya sa akin. ‘Yung pain ko, natututo naman po ako doon,” may ngiting banggit pa rin ni Ai Ai.