Sinalakay ng mga tropa ng pamahalaan ang dalawang pinaghihinalaang marijuana plantation na minimintina umano ng grupong Abu Sayyaf sa Sulu kamakalawa ng umaga.

Sinabi ni Col. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, mahigit sa 130 puno ng marijuana ang sinira ng mga elemento ng Joint Marine Battalion Landing Team (MBLT) 2 at lokal na pulisya sa mabundok na lugar ng Maimbung, Sulu.

Nadiskubre ang malawak na taniman ng marijuana sa Sitio Kabugan, Barangay Patao dakong 6:00 ng umaga noong Miyerkules

Sa text message na ipinadala ni Arrojado, aabot sa P500,000 ang halaga ng mga marijuana plant.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon pa sa opisyal, inilipat ng military ang kustodiya ng mga marijuana sa Maimbung Police Station.

Sinabi ni Arrojado na matagal nang nakatatanggap ng impormasyon ang militar na marami sa hanay ng Abu Sayyaf ang gumagamit ng marijuana.

Nakabawi rin ang tropa ng pamahalaan ng mga palara at iba pang drug paraphernalia sa iba’t ibang kampo ng Abu Sayyaf na kanilang sinalakay. - Elena Aben