CAMP OLIVAS, Pampanga – Ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Raul D. Petrasanta ang pagtatatag ng Special Investigation Task Group ANGELES upang imbestigahan ang pagpatay sa manager ng Clark International Airport Corporation (CIAC) at pagkakasugat sa maybahay nito sa Tarlac kamakailan.

Lulan si Engr. Ruel Angeles, manager ng Aviation Engineering Department ng CIAC, sa kanyang sasakyan kasama ang asawang si Crusenia at ang apo nilang menor de edad nang pagbabarilin siya ng mga hindi kilalang lalaki ilang metro ang layo sa kanilang bahay sa Purok Rang-ay, Barangay Padapada sa Sta. Ignacia, Tarlac noong Nobyembre 10.

“Iniutos ko na sa Tarlac Police Provincial Director na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa brutal na insidente para agad na makilala at maaresto ang mga suspek. Gagawin namin ang lahat upang mahanap ang mga salarin at mabigyan ng hustisya ang mga biktima,” sabi ni Petrasanta.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20