UNITED NATIONS (AP) — Inanunsiyo ni Secretary-General Ban Ki-moon noong Lunes ang pagtatag ng isang board of inquiry na mag-iimbestiga sa mga pagkamatay at pinsala sa bakuran ng United Nations sa digmaan ng Gaza noong tag-araw gayundin ang pagkakatuklas ng mga armas sa isang bakanteng eskuwelahan ng UN.
Sinabi ni UN deputy spokesman Farhan Haq na ang five-member independent board ay pamumunuan ni Patrick Cammaert, isang retiradong Dutch major general na naging military advisor ni Ban.
Mahigit 2,100 Palestinian ang namatay, karamihan ay sibilyan, sa 50 araw na bakbakan na nagsimula noong Hulyo 8, ayon sa taya ng UN at ng Palestine. Pitumpu’t dalawang katao naman ang namatay sa panig ng Israel.