Binalewala ng tagapayo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Canadian Michael Koncz ang prediksiyon ni Hollywood actor Sylvester “Rocky Balboa” Stallone na sinuportahan ang kababayang si Chris Algieri.

Hahamunin ni Algieri si Pacquiao sa Nobyembre 22 sa Macau, China sa layuning matamo ang ikalawang dibisyon sa professional boxing -- ang WBO welterweight title ng Pinoy boxer.

Sa panayam ni boxing writer Edward Chaykovsky ng BoxingScene.com, iginiit ni Stallone na mananalo si Algieri sanhi ng magandang ipinakita ng New Yorker na kahit bumagsak ng dalawang beses sa 1st round ay nanaig pa rin sa 12-round split decision sa ka-stable ni Pacquiao na si Russian Ruslan Provodnikov para masungkit ang WBO light welterweight belt noong Hunyo.

Para kay Stallone, si Algieri ang “Rocky Balboa” sa tunay na buhay sa magandang pagwawagi kay “In my business life imitates art. But in Chris’ case I think it’s the other way around,” ani Stallone. “Watching Chris rebound from those two first-round knockdowns against Ruslan Provodnikov and out-box him the next 11 rounds to win the title was more than an upset.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho