VATICAN CITY (AP) – Sinibak sa puwesto sa Vatican ni Pope Francis ang Amerikanong si Cardinal Raymond Burke, na nanguna sa mga kampanya laban sa pangungumunyon ng mga Katolikong pulitiko na sumuporta sa pagsasalegal ng aborsiyon.

Ang pagkakasibak kay Burke, 66, bilang pinuno ng supreme court ng Vatican ay inaasahan na sa Simbahan.

Noong arsobispo pa sa St. Louis, mula 2003 hanggang 2008, ay pinangunahan ni Burke ang mga kapwa Amerikanong obispo sa kampanya upang huwag bigyan ng komunyon ang mga pulitikong Katoliko na sumuporta para gawing legal ang aborsiyon. Kinuwestiyon din niya ang ilan sa mga patakaran at deklarasyon ni Pope Francis.

Noong Sabado, inilipat ng Papa si Burke sa ceremonial post bilang Patron of the Sovereign Military Order of Malta, isang charity ng mga ospital at elderly homes sa mundo.
National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol