MAYANTOC, Tarlac - Marami ang nagsasabi na ang sobrang pag-inom ng alak ay hindi nakabubuti at karaniwang humahantong sa kaguluhan.

Napatunayan ito noong Sabado nang tatlong katao sa Barangay Nambalan sa Mayantoc ang iniulat na nasaktan at isinugod sa Gilberto Memorial Hospital sa Camiling.

Ayon kay PO3 Celso Rico Isidro, ginulpi at pinagbabato sina Daniel Suela, 36; Mirasol Dee, 46; at isa pang babae, nina Bernard Mariano at Cornelio Salamitao, kapwa nasa hustong gulang, pawang taga-Bgy. Nambalan, Mayantoc, Tarlac.

Nag-iinuman sa Veronica Resort ang dalawang suspek nang dumaan si Suela, na pinaniniwalaang nakursunadahan at ginulpi ni Mariano. Nang papaalis na ang tatlong biktima sa resort ay pinagbabato sila ng mga suspek.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists