Magpupulong ang Search & Screening Committee na itinatag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), kinabibilangan ng major stakeholders ng SBP na naatasang tutukan ang maikling listahan ng coaching candidates para sa konsiderasyon sa national teams na kinapapalooban ng PBA players, sa Nobyembre 11 upang pag-usapan ang parameters at criteria para pagtuunan ang kanilang mandato.
Itatakda upang buuin ang selection process ng committee na pamumunuan ni SBP vice chairman Ricky Vargas, kasama sina PBA commissioner Chito Salud, PBA chairman Pato Gregorio, PBA vice chairman Robert Non (ipiprisinta ang PBA D-League) at SBP executive director Sonny Barrios.
Susundan ito ng mga serye ng deliberasyon para sa kinakailangang rekomendasyon sa mga pangalan na agad na ipapasa kay SBP president Manny V. Pangilinan, pinuno ng Executive Committee ng SBP, para sa pinal na desisyon.
Magtatagpo ang parallel Search & Screening Committee sa national teams na walang PBA players sa Nobyembre 15. Si Barrios, bilang SBP representative, ang magmamando sa grupo, kinabibilangan din ng SBP Board of Trustees members na sina Edmundo Baculi, ipiprisinta ang UAAP, Fr. Victor Calvo, O.P. (NCAA), Raul Alcoseba (CESAFI at Visayas- Mindanao regions) at Dr. Ernesto Jay Adalem (NAASCU at NCR).
Ang kapwa trabaho ng committees ay rekomendado sa hinaharap, kung saan ang huling pagpili ay dadaan sa SBP president.
Hiniling ni Pangilinan, sa ginanap na board meeting sa PLDT Makati office kamakailan, ang “participative and consultative approach” para sa inisyal na selection process sa mabubuong national teams na nakatakdang isabak sa siyam na international tournaments sa 2015.
Ang ilan sa events na sasabakan ng koponan sa susunod na taon ay ang 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo at 28th FIBA Asia Championship sa China sa Agosto na siyang magsisilbi bilang regional qualifier sa Rio de Janeiro Olympics sa 2016.
Sa ginanap na pagpupulong, inilahad ni Pangilinan sa SBP board ang inisyal na paghahangad ng bansa na maging punong-abala sa 2019 FIBA World Cup, at ang pagpapakilala sa FIBA ng mga listahan ng kandidato sa huling bahagi ng susunod na buwan.
Kasama na rin sa napagusapan ang pinalawig na grassroots development program ng SBP’s, kung saan ay ipinarating ni Pangilinan ang kanyang plano na: “undertake an all encompassing overall nationwide program” sa susunod na dalawang taon.
Hinimok ng SBP head ang regional SBP leaders na mas magsagawa ng aktibong role para sa: “crafting the program for implementation in their own backyards.”
Ang novel 3x3 format na aktibong itinutulak ng FIBA, sa pamamagitan ng multi-leg Masters Tour na ang kahulugan ay ipakalat ang gospel ng laro, ay makakakuha rin ng major boost sa iba pang mga bansa, partikular na ang mga bayan at munisipalidad.