VATICAN CITY (AP)— Kinondena ni Pope Francis noong Miyerkules ang paghihirap na dinaranas ng mga Katoliko sa proseso ng annulment ng kanilang kasal, ibinunyag na minsan na niyang sinibak ang isang opisyal na nagtangkang maningil ng libu-libong dolyar para rito.

Sinabi ni Francis sa mga partisipante sa Vatican na tumatalakay sa annulment na bilang obispo ng Buenos Aires, nadismaya siya nang malaman na ilang mananampalataya ang bumibiyahe ng daan-daang kilometro at lumiliban sa trabaho para makapunta sa mga tribunal ng simbahan.

“One must be careful that the procedures don’t become a business,” sabi ni Francis.

Pinahihintulutan ng annulment ang mga Katoliko na muling ikasal sa simbahan sa ilang dahilan gaya ng isang asawa na walang balak na maging matapat, o masyadong isip bata para maunawaan ang panghabambuhay na kahulugan ng kasal sa Simbahang Katoliko.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi ni Pope Francis na pinagiisipan niya ang mga kahilingan kamakailan sa pagpupulong ng mga obispo sa Vatican para sa pamilya, na gawing libre ang annulment.