Nobyembre 6, 1913, nang maaresto si Mohandas Gandhi (1896-1948) sa South Africa habang nangunguna sa isang kilos protesta para sa Indian Tax Bill.
Ang martsa ay binuo ng 2,037 kalalakihan, 127 kababaihan, at 57 kabataaan. Nagbanta ang mga puti sa lungsod ng Volksrust na babarilin nila ang Indians “like rabbits.” Isang gabi, habang naghahanda sa pagtulog sa isang kampo, si Gandhi ay nilapitan ng isang pulis na may bitbit na arrest warrant. Sa panahong iyon, siya ay nangangampanya laban sa racist laws sa South Africa.
Nobyembre 11, 1913, nang binigyan si Gandhi ng mahihirap na trabaho sa loob ng siyam na buwan, at matapos ang tatlong araw, siya ay muling sinentensyahan ng tatlong buwan na pagkakakulong para sa magkaibang kaso.
Pinatay si Gandhi noong Enero 30, 1948.