Tatlong boksingerong Pilipino ang nagwagi laban sa mas matitikas na boksingerong Hapones sa magkahiwalay na lugar noong Sabado ng gabi sa Tokyo at Hyogo sa Japan.

Unang nanalo sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo si ex-OPBF featherweight titlist Jonel Alibio nang talunin sa 4th round TKO ang sumisikat at matangkad na si Yuichi Yokohama sa lightweight bout.

Sa hiwalay na laban naman sa Bunka Center sa Sanda, Hyogo, nanalo si PH No. 6 super flyweight Giovanni Escaner laban sa beterano at one-time world title challenger Junichi Ebisuoka na napatulog sa eksaktong 2:42 ng 7th round.

Sa undercard, nagpasiklab din si lightweight Jonel Gadaban nang palasapin ng unang pagkatalo ang may perpektong rekord na 4 panalo, lahat sa knockouts, na si Yuri Itani na hindi na bumangon sa 2nd round ng kanilang sagupaan.
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod