BUDAPEST (AFP)— Sinabi ni Prime Minister Viktor Orban ng Hungary noong Biyernes na ibabasura niya ang panukalang Internet tax law na nagbunsod ng malawakang protesta sa bansa sa central Europe.

“The Internet tax cannot be introduced in its current form,” ani Orban sa isang panayam sa radyo.

Ang panukalang batas ay nakikita ng mga kritiko na isang pagtatangka ng rightwing prime minister para patahimikin ang mga aktibista sa bansa at nagbunsod ng dalawang beses na demonstrasyon ng libu-libo sa mga lansangan nitong linggo.

Sinabi ni Orban na kailangang amyendahan ang tax law, at magbubuo ng isang “national consultation” sa Internet at pagbubuwis sa Enero.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race