Bubuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang zipper lane kapag natapos ang pagbabakbak sa center island sa paanan ng flyover ng Tramo sa Pasay City upang mapagaan ang trapiko patungo sa mga paliparan, partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino kapag nabuksan ang zipper lane sa lugar, na inaasahang matapos kahapon, makatutulong ito para makaiwas ang mga motorista sa pagsisikip ng trapiko dahil malapit ito sa pampublikong sementeryo ng Pasay.

Tiwala si Tolentino na mapagagaan ng zipper lane ang trapiko papunta sa mga paliparan.

Maglalabas din ang MMDA ng anim o pitong alternatibong ruta para mapabilis ang biyahe ng mga motorista patungong airport.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Inaasahan na ang pagbibigat ng trapiko, partikular sa EDSA, dahil sabay-sabay ang biyahe ng mga sasakyan at provincial bus matapos pansamantalang suspendihin ng MMDA ang number coding scheme.