Kinilala at pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Lunes si Tsgt. Mariano Pamittan na itinulak ni Marc Sueselbeck, ang German fiance ni Jeffrey/Jennifer Laude, na nagpamalas ng disiplina at kahinahunan sa pagmamalabis ng Aleman na sumampa sa bakod at lumabag sa restricted area regulations ng Camp Aguinaldo para raw makausap si Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton na pumatay sa bakla.

Kung hindi raw mahinahon at pasensyoso si Pamittan sa panunulak ng Aleman, baka ginantihan niya ito at sila’y nagsuntukan o nagpambuno sa loob ng kampo. Kasama ni Sueselbeck na nag-over the bakod si Marilu, kapatid ni Jeffrey, na galit na galit kay Pemberton.

Dahil dito, ang pamilyang Laude ay posibleng pagbawalan nang makapasok sa Camp Aguinaldo at iba pang military installations dahil sa paglabag sa mga regulasyon. At baka pati ang kanilang abugado ay hindi na rin papasukin sa loob ng kampo dahil sa kawalang-respeto sa pinaiiral na regulasyon at disiplina sa nasabing kampo.

Target ng Department of Health na hindi makapasok sa bansa ang Ebola virus. Halos 5,000 katao na ang namamatay dahil sa virus na ito na nagmula sa West Africa. Ang target na Ebola zero casualty ay pinagsisikapan ngayon ng DOH tulad ng pagsisikap nito sa pagbaka noon sa SARS at sa Middle East Corona Virus.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi pala pista opisyal ngayon Oktubre 31. Ito ay isang working day, pahayag ng Malacanang. Marami ang dismayado kung bakit hindi pa idineklara ni PNoy na holiday ang araw na ito gayong bukas ay Nob. 1, All Saints’ Day, na isang pista opisyal. Noong presidente si Aling Maliit (GMA), tiyak holiday ito dahil sa patakaran niyang holidayconomics na makabubuti sa bansa at mamamayan. Nais niyang makauwi ang mga trabahador, estudyante, magulang sa mga probinsiya upang doon gunitain ang Undas sa piling ng mga kamag-anak para dumalaw sa sementeryo.

Nalalapit na nga ba ang paghihiwalay ng landas nina PNoy at VP Binay? Kamakailan, binanatan niya si PNoy dahil sa DAP. Binabanatan din niya ang administrasyon dahil sa power crisis, at pagdami ng krimen. Siya nga pala Mr. Vice President, naipaliwanag mo na ba ang corruption issue laban sa iyo?