BERLIN (Reuters)— Malaking banta sa seguridad ng Germany ang radikal na Islam, babala ni Interior Minister Thomas de Maiziere noong Martes, sinabing nasa pinakamataas na antas ngayon ang bilang ng mga taong may kakayahang magsagawa ng mga pag-atake sa bansa.
Bukod sa bantang panganib ng mga German jihadist na nagbabalik mula sa Syria, nariyan din ang panganib ng mga bayolenteng sagupaan sa mga lansangang German sa paglalaban ng mga magkakaribal na extremist group – na sumasalalim sa sigalot sa Middle East, aniya sa isang security conference.
“The situation is critical. The number of threatening individuals has never been as high as now,” ani De Maiziere. “We represent freedom, and are therefore an object of hate.”