Apat katao ang patay habang dalawa ang sugatan nang salpukin ng kanilang sinasakyang pick-up sa isang punongkahoy sa Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte, kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Raisa Antoinette Azensa, 25, isang nurse sa Camarines Norte Provincial Hospital; at mga kasamang menor de edad na sina Mathew De Leon at Jed Marvin De Guzman kabilang ang kanilang katulong na nakilala lamang sa pangalang “Jack”.

Nasugatan ang isa pang nurse na si Rosalyn Tuazon, 25, at driver ng sasakyan na si Kevin Villamonte.

Sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office, binabaybay ng pick-up ang Sto. Domingo, Vinzons, nang mawalan ng kontrol dahil madulas ang kalsada dulot ng malakas na ulan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sumalpok din ang sasakyan sa isang kongkretong perimeter fence ng provincial motorpool, ayon sa ulat.