Nora Aunor

Ni PIT M. MALIKSI

SA pangalawang pagkakataon, nominado uli si Nora Aunor sa 8th Asia Pacific Screen Awards (APSA) sa Brisbane Australia bilang Best Actress para sa Hustisya, ang pelikulang idinirehe ni Joel Lamangan para sa 2014 Cinemalaya Film Festival.

Nanalong Best Actress si Nora Aunor sa 2013 APSA Awards para sa pelikulang Thy Womb. Sa kabuuan, sampu na ang nakamit na international Best Actress recognitions ni Ate Guy.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ang iba pang nominado sa 8th APSA Awards ay sina Ronit Elkabetz (Israel – para sa pelikulang Gett), Lu Zhong (China – Red Amnesia), Tang Wei (China – Golden Era), Merila Zaree (Iran – Track 143).

Samantala, ang nanalong Best Actress sa Berlin mula sa Japan ay hindi napasali sa nominasyon ng APSA, patunay ng mataas na kalidad ng APSA awards, ang itinuturing na Oscars ng Asia.

Personal na nag-imbita at nag-alok ang APSA kay Nora Aunor ng libreng tiket sa eroplano at hotel accommodation mula Disyembere 9-12 kung gugustuhin niyang dumalo sa awards rites sa Disyembre 11, 2014 sa Brisbane City Hall, Australia.

Ibinalita ni Ferdie Lapuz, and producer ng Hustisya, na nakapasok din ang pelikulang ito sa nalalapit na European International Film Festival. Ang isa pang pelikula niyang Dementia na pinangungunahan ni Nora ay tinanggap na para sa APSA 2015 ayon kay Ferdie.

Samantala, ang short film naman na Kinabukasan (The Day After) ni Adolf Alix na pinagbidahan nina Nora Aunor at Alden Richards ay napiling ipalabas sa world premiere ng Singapore International Film Festival’s Imagine Shorts Programme.