Inihayag kahapon ng Toll Regulatory Board (TRB) na hindi sila magpapatupad ng dagdag-singil sa mga motoristang dadagsa sa pitong expressway ngayong Undas.

Ito ang naging resulta sa pulong ng TRB sa tollway operators ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx), Skyway, South Luzon Expressway (SLEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR) at Cavitex.

Nabatid kay Mr. Bert Suansing, consultant ng Road Safety and Traffic Concerns ng TRB, na handang-handa na ang mga expressway sa pagpapatupad sa bulto ng mga sasakyan na dadaan sa pitong expressway sa Undas.

Aniya, mayroong sapat na ambulant tellers para maiwasan ang napakahabang pila ng mga sasakyan habang tuloy-tuloy na ang pagpapatrulya ng traffic enforcers.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaasahan na libu-libong biyahero ang dadagsa simula Nobyembre 1 hanggang 4.