TUY, Batangas - Patay ang isang municipal councilor habang nakaligtas naman ang kanyang asawa at tatlo pang kasama nang pagbabarilin ang sinasakyan nilang kotse sa Tuy, Batangas.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Armando Hernandez, 56, residente ng Barangay Bolbok sa naturang bayan.

Ayon sa report ni SPO1 Victor Creus, bandang 8:30 ng umaga noong Oktubre 26, sakay ang biktima ng Toyota Vios (WOD-128) kasama ang asawa at tatlong iba pa nang pagbabarilin ang sasakyan ng mga suspek na Nolascosakay sa motorsiklo.

Nakaligtas sa ambush ang mga kasama ng konsehal at narekober sa lugar ang anim na basyo ng .45 caliber pistol.

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen habang pinaghahanap pa ang mga suspek.