CONCEPCION, Tarlac - Limang empleyado ng isang kumpanya ng pagkain ang posibleng masibak sa trabaho dahil sa pagnanakaw umano sa pinagtatrabahuhan.

Ayon kay PO3 Eduardo Sapasap, 40 dressed chicken na nagkakahalaga ng P11,200 ang sinasabing ninakaw nina Allen Tayag, 30, ng Quibyaman, San Miguel; Michael Nunag, 41, driver ng Sheenica Enterprise Trucker; Richard Mamangun, 42, ng Concepcion, Tarlac; Tito Alpas, 31; at Rex Aque, 35, ng kapwa ng City of San Fernando, Pampanga. Lahat sila ay empleyado ng Feather Meal Corporation.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng impormasyon si Eric Sablan, supervisor ng kumpanya, na nagkakarga ang mga suspek ng 40 dressed chicken sa isang Isuzu Forward truck (RHJ-434) bagamat wala ang mga ito sa listahan ng mga ikakarga sa sasakyan.
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands