Hiniling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Immigration (BI) na ideklarang ‘undesirable alien’ si Marc Sueselbeck, ang German boyfriend ni Jennifer Laude na pinaslang sa Olongapo City.
Hindi pa malinaw kung tinanggap ng AFP ang apology ni Sueselbeck pero pursigido silang ipadeklarang ‘undesirable alien’ ito upang ‘di na makabalik pa ng bansa sa hinaharap.
Magugunita na noong Miyerkules ay sumugod sa AFP sina Susselbeck, Atty. Harry Roque at kapatid ni Jennifer Laude para hanapin ang suspek na si PFC Joseph Scott Pemberton.
Kasama ang kapatid ni Jennifer, inakyat ni Susselbeck ang bakod ng JUSMAG facility at itinulak pa ang bantay na sundalong Pilipino.
Hihintayin pa umano ng Bureau of Immigration (BI) ang pormal na kahilingan ng AFP kaugnay sa pagpapa-deport kay Sueselbeck.
Umalma ang AFP at naghain ng reklamo dahil sa paglabag sa umiiral na patakaran at batas sa military facilities.