SURUC, Turkey (AP) – Noong mahigit isang taon na ang nakalilipas ay isang guro si Afshin Kobani. Ngunit ngayon, ipinagpalit ng babaeng Kurdish Syrian ang silid-aralan para manguna sa mga labanan sa Kobani, isa sa mga bayang kinubkob ng teroristang grupo na Islamic State.

Sinabi ng 28-anyos na Kurdish fighter, na gumagamit ng nom de guerre, na nagpasya siyang ipaglaban ang kanyang bayan nang makita niya ang pagsalakay ng IS sa Syria.

Kabilang si Kobani, isa nang commander ng mixed-gender unit, sa mahigit 10,000 kababaihang mandirigma ng Syria.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon