Lilipat ba si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim S. Jacinto-Henares sa Commission on Audit (COA)?

“It is premature, no offer,” ang kanyang reaksiyon sa mga alingasngas na ililipat siya ni Pangulong Benigno Aquino III sa COA kapag itinalaga si COA chair Grace Pulido-Tan sa bakanteng puwesto sa Supreme Court (SC).

Sinasabing isang mahistrado ng SC ang nagbabalak ng maagang pagreretiro bago matapos ang taon.

Sinabi ni Henares na wala siyang alam na anumang offer “as she (Tan) is still in her post.”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Maraming datihan at kasalukuyang opisyal mula sa Office of the Ombudsman (OMB) ang nagsabing logical choice si Henares para sa trabaho sa COA kung nais ng Pangulo na ipagpatuloy ang kampanya laban sa katiwalaan kahit tapos na ang kanyang termino. (Jun Ramirez)