May mga adiksiyon na mainam para sa ekonomiya ng bansa, at may ilan namang minamatyagan ng mga alagad ng batas. Ngunit kung maganda man o hindi ang dulot ng adiksiyon, parehong mainam iyon sa negosyo ng mga kinauukulan. Narito ang ilang halimbawa ng mga adiksiyon na hindi sinisimangutan ng batas:

  • Adik sa shopping. – Maituturing sakit ang compulsive shopping o hindi makontrol na pamimili ng kahit na anong naisin; at ito rin ang nagpapatakbo ng ekonomiya. Kung wala kang kontrol sa paggamit ng credit card, maaaring lumubog ka sa utang. Gayunman ang iyong sapitin, mayroon ka namang flatscreen TV, bagong cellphone at sangkatutak na bagong damit, sapatos, bling-bling at kung anu-anong maisasama mo sa iyong kikay kit. Tandaan: Ang isang compulsive shopper ay higit na nangangailangan ng mas maraming counseling kaysa pagpunta sa mall upang maituwid ang pagkakamaling ito.
  • Adik sa TV. – Malalaman mong adik ka na sa kapapanood ng TV kung nagagalit ka kapag may nagpatay niyon, lalo na sa paborito mong palabas. Adik ka rin na maituturing kung kahit walang kakuwenta-kuwentang palabas ay pinanonood mo rin. Walang katapusan ang idinudulot na entertainment ng telebisyon at kinikintal nito sa isipan ang napakagandang pamumuhay na hindi matamo ng isang naka-wheelchair. Bayaran mo lang ang buwanang bill ng iyong cable at maisasantabi mo na ang iyong kalungkutan.
  • National

    DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

  • Adik sa on-line games. – Paano nilalamon ng orcs, wizards, at iba pang medieval characters ang maraming kaluluwa at oras ng liwanag? Mahirap masukat, ngunit milyon ang nagme-maintain ng subscription sa isang network-based na video game at tinatrato itong pangalawang buhay – na mas mahahaba ang oras kay sa tunay na daigdig. Kain, tulog, energy drink, kapeng pampagising at computer games – iyan ang kompletong buhay ng kabataan ngayon. Kumikita ang Internet shops dito.
  • Adik sa fast food. – Mura lang ang mamantika at nakatatabang french fries, hamburger, at spaghetti. At sa totoo lang, makabibili ka nito kahit anong oras dahil sa 24/7 na mga fast food restaurant sa bawat kanto ng Kamaynilaan. Madaling tumaba at hindi ito maiiwasan kung mas mahal ang healthy food. Ginawang abot-kaya ang fast food, upang maibenta agad ang mga ito. Talagang nakakaadik ang fast food lalo na kung mas masarap ito kaysa healthy food.

May kaadikan pa bukas, sundan.