Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook, left, talks with teammate Kevin Durant before the Thunder's preseason NBA basketball game against the Utah Jazz in Oklahoma City, Tuesday, Oct. 21, 2014. (AP Photo/Sue Ogrocki)

OKLAHOMA CITY (AP)– Sinabi ni Thunder forward Kevin Durant na hindi siya mapakali mula nang malamang hindi siya makapaglalaro sa maagang bahagi ng season dahil sa nabaling buto sa kanang paa.

Humarap ang reigning MVP sa media kahapon sa unang pagkakataon mula nang magtamo ng injury. Siya ay sumailalim sa surgery noong Oktubre 16, at mare-reevaluate makaraan ang limang linggo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dumating siya sa media session sakay ng isang scooter at ang ibabang bahagi ng kanyang kanang binti ay nakasemento.

Ibinahagi ni Durant na ito ang kanyang unang surgery, kung kaya’t hindi niya alam kung paano siya reresponde rito, ngunit hindi niya mamadaliin ang kanyang pagbabalik. Sinabi niya na ang kasalukuyang sitwasyon ay magbibigay ng oportunidad sa kanyang mga kakampi na umangat, at ramdam niyang mas magiging malakas ang koponan sa hinaharap.