Tukoy na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspek sa panghoholdap ng P500,000 sa isang pribadong eskuwelahan nitong Oktubre 17, 2014 sa Quezon City.

Base sa report ni QCPD Director Chief Supt. Joel D. Pagdilao, nakilala ng nakatalagang security guard at kahera ng Mary the Queen College sa Commonwealth Avenue ang dalawa sa limang suspek.

Aniya, sa lalong madaling panahon ay masusukol ang dalawang nakilalang holdaper na inaasahang magbubunsod sa pagkakadakip sa iba pang suspek. Nabatid na bumuo na ng task force ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD para sa follow-up operation upang mahuli ang mga holdaper at masampahan ng kaukulang kaso sa korte.

Ayon sa QCPD, dalawa sa mga suspek ay may dati nang record ng panghoholdap sa lungsod.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Magugunitang tanghali noon nang pumarada ang isang kotse sa gilid na nasabing kolehiyo at nagsibaba ang mga lalaki na disente ang kasuotan bago dinisarmahan ang security guard at nilimas ang P500,000 sa kaha.