Pilita Corrales

Ni REMY UMEREZ

SA taping ng Vampire Ang Daddy Ko sitcom ng GMA, hindi nagdalawang salita si Vic Sotto sa anyaya ni Pilita Corrales na sila ay mag-duet sa kanyang pagbabalik recording. Ang awiting napili ay walang iba kundi ang Ipagpapatawad Mo na hit song ng komedyante at host ng Eat Bulaga.

Isa lamang ito sa ipinagmamalaking nilalaman ng kanyang Duets CD album sa ilalim ng Viva Records.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dekada na ang lumipas nang huling gumawa ng album ang Asia’s Queen of Songs. Minsan ay casual niyang binanggit kay Boss Vic del Rosario na gusto niyang gumawa ng album of Visayan songs, pero iba ang nasa isipan ng Viva. Bakit hindi siya makipag-duet sa music greats ng industriya na agad sinang-ayunan ni Pilita.

Ang nakapaloob sa album pawang signature songs ng artists na involved sa project: Kapantay ay Langit ni Basil Valdez, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ni Sharon Cuneta, Forever’s Not Enough (feat. Sarah Geronimo), Pagdating ng Panahon (feat. The Company), Tell Me (feat. Joey Albert), Usahay (feat. Chad Borja), Ikaw Lang ang Mamahalin (feat. Martin Nievera) at You Are My Song (feat. Regine Velasquez).

Isa lang ang solo number ni Pilita, ang A Million Thanks To You, na naging identified sa kanya nang husto.

Ang ilan sa singers na nabanggit ay magiging guest ni Pilita sa Duets A Million Thanks. A Concert na gagananpin sa Fiesta Pavillion ng Manila Hotel sa November 13, para sa benepisyo ng Mare Foundation.