OLONGAPO CITY – Hindi sumipot si US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, ang umano’y pumatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude, sa preliminary investigation sa City Prosecutor’s Office sa siyudad na ito kahapon.

Kumpleto naman ang pamilya Laude, ang German fiancée ng biktima na si Marc Seuselbeck, at abogado na si Harry Roque.

Kabilang sa prosecution team sina Emily Fe De los Santos, at sina Associate City Prosecutor Laurence Joel Caliping, Rommel Baligod, Ria Nina Sususco at Noli Bien Quiambao.

Si De los Santos ang namuno sa prosecution team na humawak sa rape case ni “Nicole” laban kay US Marine Lance Corporal Daniel Smith noong 2006.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Pemberton ay kinatawan nina Attorney Benjamin Tolosa Jr. ng Angara-Abello-Concepcion-Regala& Cruz Law firm (ACCRA LAW).

Sa kabila ng hindi pagsipot ni Pemberton sa preliminary investigation, tiniyak ng US Embassy haharap ito kabilang ang iba pang sundalong Amerikano, na sinasabing testigo sa insidente, kapag nagsimula na ang paglilitis. (Jonas Reyes)