CANDON CITY, Ilocos Sur – Nasawi ang isang nagmomotorsiklo habang kritikal naman ang angkas niya matapos silang maaksidente sa national highway ng Barangay Guinabang sa Bacnotan, La Union, noong Lunes ng hapon.

Sinabi ng pulisya na hindi na umabot nang buhay sa Bacnotan District Hospital si Leonardo Rimiedo, ng Bgy. Cabugao, Bacnotan, habang malubha namang nasugatan si Larry Corpuz, kalugar ni Rimiedo, na naka-confine ngayon sa isang pagamutan sa San Fernando City, La Union.

Bandang 1:30 ng hapon noong Lunes nang makabanggaan ng motorsiklong sinasakyan ng mga biktima ang isang Isuzu Sportivo na minamaneho ng isang Daniel Sabiano, ng Bgy. Poblacion.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras