TULUY-TULOY ang paghahanap sa pinakamagagaling na Pinoy homegrown talents sa pamamagitan ng nationwide Kapuso reality-talent show na Bet ng Bayan na ngayong araw ay magkakaroon ng Central at Eastern Visayas regional finals na gaganapin nang live sa Buglasan Festival ng Dumaguete City.

Ang nasabing regional showdown ay ikatlong leg na ng kumpetisyon, ipapakita ng anim na qualified bets mula Dumaguete at Cebu ang kani-kanilang angking husay at talento sa Capitol Grounds ng siyudad simula 7:00 PM.

Saksi sa impressive performances ng mga kalahok ang Bet ng Bayan hosts na sina Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards. Event judges naman sina Kuh Ledesma, Louie Ocampo, at Jonalyn Viray.

Pero bago kilalanin ang anim na qualifiers na sasabak sa grand finals (isa sa kantahan, isa sa sayawan, at isa sa kakaibang talento), aaliwin muna ng cast ng afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra ang mga manonood.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Sa ganap na 6:00 PM, makikihalubilo sina Andrea Torres, Rochelle Pangilinan, at Pancho Magno sa kanilang Dumagueteño supporters sa pamamagitan ng isang Kapuso promo show.

Mapapanood ang highlights ng Buglasan Festival sa Let’s Fiesta na ipapalabas sa Oktubre 26 sa siyam na regional stations ng GMA Network sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, GenSan, at Cagayan de Oro.

Para sa karagdagang updates tungkol sa iba pang regional events ng Network, sundan lamang ang GMA Regional TV sa Twitter at sa Instagram sa pamamagitan ng @GMARegionalTV.