Inihayag ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na simula ngayong Lunes ay ililipat na nito sa bagong tanggapan sa Quezon City ang student visa section ng ahensiya.

Ang pahayag ay ipinakalat din ng BI sa mga dayuhang estudyante at mga accredited na eskuwelahan.

Ang nasabing section ng BI ay nasa ikalawang palapag ng Civic Center Building C sa Quezon City Hall Complex.

Nabatid na lahat ng transaksiyon na may kinalaman sa mga dayuhang estudyante ay ipoproseso sa bagong lokasyon. - Mina Navarro
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20