Paulo-KC-copy

BUKOD sa mga doctor at nurses na nag-alaga sa kanya, amang si Gabby Concepcion na dumalaw, special mention sa mga pinasalamatan ni KC Concepcion ang boyfriend niya ngayon na si Paulo Avelino.

Alagang-alaga pala ni Paulo Avelino si KC Concepcion nang maospital ang aktres dahil sa dengue. Sa mga Instagram post ni KC, hindi niya nakalimutang banggitin si Paulo na ipinakita pa niyang naggigitara habang kumakanta sa hospital bed niya.

Binanggit pa ni KC na hindi raw siya pinabayaan ni Paulo habang nasa ospital siya. O, e, palaisipan pa rin ba kung may relasyon ba talaga o wala ang dalawa?

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nagkasama na’t lahat sa New York at sa Baguio na hometown ni Paulo, kailangan pa ba namang hintayin ang pag-amin nila?

Katunayan, may nakapagsabi sa amin na bago nagkasakit si KC ay nakikita raw nila ang aktres na pumupunta sa condo unit ni Paulo. “Ako, sigurado akong inililihim lang ng dalawang ‘yan ang relasyon nila,” sey pa ng source namin.

Samantala, balik-taping na si KC sa Ikaw Lamang, na excited nang sinusubaybayan ng lahat kung ano ang magiging ending lalo na kung anu-ano ang mangyayari sa mga karakter nina Gabriel (Coco Martin), Andrea (Kim Chiu) at Natalia (KC).