Upang mapabilis ang pagdinig at pagresolba sa ‘santambak na kasong nakabimbin, plano ng Korte Suprema na magdagdag ng mga trial court judge.
Ito ang inihayag ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sinabing kailangan nang madagdagan ang hanay ng trial court judge para mapadali ang pagtalakay sa mga kaso na ilang taon na ay hindi pa nasisimulan o hindi pa natatapos.
Dahil dito, nais niyang madagdagan pa ng mas maraming trial court judge na magpapatupad ng court rulings para maresolba ang backlog na problema ng mga hukom na aabot sa 4,000 na sabay-sabay na kaso.
“Panahon na para maranasan ng mga Pilipino ang hustisya sa mabilis na panahon,” dagdag ni Sereno.
Sa ngayon, aabot sa 27 korte sa Metro Manila ang magpapatupad ng pilot-testing sa maliliit na kaso, gaya ng drug peddling, na reresolbahin sa loob lang ng apat na araw.
Kasama umano sa mga reporma ang laging pagdinig sa mga kaso, printing at pagpapalabas sa mga ruling para maiwasan ang pagkaantala ng kaso na tumatagal ng ilang taon o ilang dekada.