Joan Rivers

NEW YORK (AP) — Pumanaw kamakailan ang komedyanteng si Joan Rivers nang bumaba ang kanyang blood oxygen sa utak, ayon sa mga dalubhasa noong Huwebes.

Si Rivers ay namatay sa edad na 81 noong Setyembre 4 nang maospital sa loob ng isang linggo dahil sa cardiac arrest.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa tagapagsalita ng mga tagasuri na si Julie Bolcer, namatay ang komedyante dahil sa “anoxic encephalopathy due to hypoxic arrest” – (brain damage due to lack of oxygen — during a procedure to scope her upper gastrointestinal tract and vocal folds).

Ang pagkamatay ni Rivers ay itinuturing na isang komplikasyon. Dahil dito ay agad nilinaw ng abogado ng ospital na hindi sila nagkulang at nagpabaya sa kanilang responsibilidad.

“I always tell my clients when they come through here, every time you have surgery you’re playing Russian Roulette. And the more surgery, the more the numbers can catch up with you, and as we know, Ms. Rivers had a lot of surgery,” ani Atty. Steven Harris.

Nagpasalamat naman ang anak ng komedyante na si Melissa Rivers sa lahat ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanyang ina.

“We continue to be saddened by our tragic loss and grateful for the enormous outpouring of love and support from around the world,” pahayag ni Melissa