Parang nagiging way of life na o pangkarinawan sa ilang ahensiya ng gobyerno ang katiwalian at kabulukan. Maging sa pribadong sektor yata ay ganito na rin ang kalakaran. Sa Kongreso, sangkot sa P10-billion pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles ang ilang senador at mga kongresista. Pati raw yata mga miyembro ng Gabinete. Sa katunayan, nakakulong na ngayon sina Tanda, Pogi at Seksi dahil sa kasong plunder. Tanong: “Meron kayang maghihimas din ng malamig na rehas sa cabinet officials?”

Sa hudikatura, merong tinatawag na “Ma’am Arlene” na diumano ay sangkot at nakikialam sa mga desisyon ng mga mahistrado at hukom kung kaya nakawawala agad ang mga mayayaman at dayuhang dawit sa multi-bilyong pisong drug trafficking, samantalang ang mga pobreng drug user ay nakabilanggo. May hustisya ba sa Pinas? Itanong ninyo ito sa mga hukom!

Sa National Bureau of Investigation (NBI) naman daw ngayon, ayon sa balita, ay meron ding certain “Arlene” na sangkot sa extortion activities. Nagutos na si DOJ Sec. Leila De Lima ng pagsisiyasat sa naturang pangingikil matapos magreklamo ang Saudi Arabian Embassy sa Department of Foreign Affairs na isang “Arlene” at ilang NBI agent ang nangikil sa apat na Saudi Arabian sa kasong trafficking. Sa liham ng Saudi embassy sa DFA at Dept. of Tourism, kinilala ang mga Arabo na sina Madji Abdulhamed Yaghmoor (nakunan ng P350,000), Hassand Alharbi (P20,000), Ahmad Al Ghaneem at Farhan Alsolab (P250,000). Well, kung ang PNP ay may “mansion” at Edsa hulidap, ang AFP ay may kurapsiyon at ang NBI ay may extorition activities, saan tatakbo si Tata Juan Dela Cruz? Sa NPA ba, sa BIFF o sa Abu Sayyaf Group? Saan?

Nakatatakot ang sakit na EBOLA. Batay sa report ng World Health Organization, kumitil na ito ng mahigit sa 4,000 buhay sa Western African countries na Guinea, Liberia at Sierra Leone. May mga namatay na rin daw sa Spain at US. Sana naman ay hindi makapasok ang Ebola sa Pinas na winasak ng lindol at ng mga bagyong Ondoy at Yolanda. Ngayon, pinagbabantaan pa ito ng pagsabog ng Mayon Volcano!
National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget