Ilibre sa buwis ang retirement pay ng mga opisyal at kawani na sumapit sa 45-anyos na nagtrabaho sa loob ng 10 taon sa isang employer.

Ito ang isinusulong ni Rep. Evelio Leonardia (Lone District, Bacolod City) sa inihain niyang House Bill 4704, binigyang diin na sa maraming pagkakataon, may mga empleado na maagang nagreretiro sa batang gulang upang maghanap ng bagong trabaho at magkaroon ng mas mabuting sahod o career advancement.

Gayunman ang desisyong ito ng mga manggagawa ay napipigilan dahil sa batas na nagpapataw ng buwis sa kanilang retirement pay alinsunod sa Republic Act 8424 (National Internal Revenue Code of 1997).

“The retirement pay for the second time past the age of 50 years old becomes taxable when, ironically, the older the person gets, like being a senior citizen, his life’s burden need not be too loaded for him, let alone the taxability of his benefits,” ani Leonardia, vice chairman ng House Committee on Transportation.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente