Umaabot sa P500,000 halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 13 katao ang inaresto nang salakayin ng mga awtoridad ang mga shabu tiangge sa dalawang bahay sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City kahapon ng umaga.

Base sa report ni QCPD Director Chief Supt Joel Pagdilao, dakong 9:30 ng umaga kahapon ng salakayin ng mga operatiba ng District Anti– Illegal Drug–Special Operation Group (DAID – SOG) sa pamumuno ni P/Supt. Roberto Razon ang dalawang bahay sa may Don Pepe St., Barangay Sto. Domingo, Quezon City. Inaresto ng mga operatiba ang 13 katao sa loob ng nauna rito, nakatanggap ng impormasyon sa tanggapan ni Director Pagdilao na may shabu tiangge sa naturang dalawang bahay at kahina-hinala ang mga tao na akyat-panaog dito.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng DAID ang mga inarestong sangkot sa iligal na droga matapos sampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office.
National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'