LINGAYEN, Pangasinan – Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Allan La Madrid Purisima ang pagbawi sa suspensiyon ng permit to carry firearms outside residence.
Ang direktiba, ayon kay Supt. Ryan Manongdo, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, ay batay sa utos ni Purisima dahil nabawasan na ang insidente ng pamamaril sa lalawigan batay sa datos noong Hunyo hanggang Setyembre ngayong taon: 69 kumpara sa 89 na naitala sa kaparehong panahon noong 2013.
Matatandaang sinuspinde ang permit to carry firearms outside residence sa buong Pangasinan kasunod ng pagpatay kay Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong at ng serye ng pamamaril sa probinsiya. - Liezle Basa Iñigo