Kylie-Padilla2

BUKOD sa pagiging aktres at anak ng famous na amang si Robin Padilla, wala pang gaanong alam ang publiko sa multi-talented na si Kylie Padilla -- na leading lady ngayon ni Rayver Cruz sa pelikulang Dilim under Regal Films.

Take note, bukod sa pag-arte at pagiging recording artist ay songwriter/ composer din si Kylie. Inilabas na ng GMA Records ang kanyang album titled Seasons na naglalaman ng mga awiting siya mismo ang sumulat ng lyrics. Ang carrier single nito ay tungkol daw sa kanyang naging ex-boyfriend sabay taw a ng malakas habang nagkukuwento, pero huwag na raw naming babanggitin kung sino dahil past tense na 'yon.

Talented make-up artist din si Kylie like Paolo Ballesteros. At kung imi-makeover daw niya si Paolo, ang gagawin niya sa fez nito ay Batman.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Painter din si Kylie, in pernes. Nakita na namin ang magagandang paintings niya.

At martial arts expert din siya, kaya "dangerously beautiful" siya, tulad sa ipinakita niya sa amin na music dance video na ginawa niya.

She's also an activist who recently jOined an anti-Israel rally in front of the Israel embassy about a month of two months ago.

"Pauwi ako nu'n galing rehearsal of Sunday All Stars nang mapadaan ako sa Israel embassy na nagkataong may rally nga. Timing na a time of my life, talagang naapektuhan ako sa mga nangyayari, so bumababa ako at nagsalita ako kasi naaawa ako sa mga bata, wala silang malay pa para isali sa giyera. Wala naman silang ginagawang mali. Mga inosente pa sila. 'Yun ang ipinaglalaban ko and it's not about religion. Sabi ko, for humanity ito at hindi sa anupaman," paliwanag ni Kylie.

Inamin niya na noong bata pa siya ay may pagka-boyish siya na gusto naman daw ng daddy niya.

Ang tanong ni Yours Truly, kung naging tomboy nga siya ngayon, sino sa Kapuso stars ang type niya?

"Si Chynna Orteleza, si Alexandra de Rossi at si Solenn Heusaff kasi I think pareho ang level ng utak namin, ng thinking naming, kaya kami vibes, ha-ha-ha!

Sa Kapamilya stars, si Julia Montes kasi napapanood ko siya at gusto ko ang acting niya," prangkang sagot ni Kylie.

Pero sa ganda niyang taglay ay hindi siya puwedeng maging tomboy, 'no!

"Meron din naman magagandang tomboy," salo niya agad.

O, sige na nga! Sabi nga, destiny is by choice and not by chance! Boom, patok!