TARLAC CITY - Tatlong babae na pinaniniwalaang miyembro ng Laslas Gang ang nakatangay ng P200,000 cash ng isang negosyante habang bumababa ang huli sa escalator ng isang shopping mall sa Tarlac, noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni PO3 Apolonio Vargas ang biktimang si Marissa Sanchez, 31, liaison officer ng B.G. Giron Construction Supply, at residente ng Barangay San Jacinto, Victoria, Tarlac.

Natangay mula kay Sanchez ang P200,000 cash at dalawang BDO passbook at Metrobank security warranty.

Nakilala naman, base sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera, ang tatlong babae na humarang at nagkunwaring natatakot sa pagbaba sa escalator na nambiktima kay Sanchez.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho