CAMP BADO DANGWA, Benguet – Ang performance evaluation ang magiging basehan sa pagbalasa ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) sa mga operatiba ng Abra Police kasunod ng serye ng mga krimen at pagpatay sa isang dating miyembro ng media na empleyado ng Abra Provincial Prosecutor Office.

“Ipinaalam ko sa lahat ng field commanders sa rehiyon, mula sa PPOs hanggang sa COPs ng Municipal Police Stations, na ang kanilang performance, partikular sa lugar ng mga anti-crime operation ay ie-evaluate ng isang komite upang matukoy kung mananatili pa sila sa puwesto o papalitan na,” sabi ni PRO-COR Director Chief Supt. Isagani Nerez.

Itinatag ni Nerez ang Regional Performance Evaluation Committee (RPEC), na pamumunuan ni Senior Supt. Robert Quenery, Deputy Regional Director for Administration (DRDA), na susuri sa performance ng lahat ng hepe ng pulisya sa rehiyon. - Rizaldy Comanda
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso